Ampon

Ampón (pangalan) - kinupkop ang isang tinangkilik; inaring anak
Ampiyas

Ampiyas (pangalan) - pagpasok ng ulan sa bintana; anggi
Ampay 

Ampáy (pangalan) - ampayr sa beisbol; taga-hatol sa laro

Ampaw

Ampáw (pangalan) - kakanin; bigas na pinaalsa at pinaputok
Ampatin

Ampatín (pandiwa) - pagpigil sa pagdaloy; paghadlang sa pagtulo; sawatain
Ampat

Ampát (pandiwa) - pagpapatigil ; pag-apula
Amoy

Amóy (pangalan) - nalalanghap ng ilong; samyo 
Amot

Amot (pandiwa) - pagdamutan; pagbahagi; karampot na parte
Amo

Amo (pangalan) - panginoon; kinikilalang nakatataas at pinag-sisilbihan

Amò (pangalan) - mabait; hindi mailap
Amis

Amís (pang-uri) - inaapi; inaaba; hinahamak
Aminin

Aminin (pandiwa) - tanggapin; akuin; umako sa pagkakasala
Amihan

Amihan (pangalan) - malamit at banayad na simoy ng hangin; simoy mula sa hilaga
Ambon

Ambón (pangalan) - mga munting patak ng ulan; bahagya at madaling pag-ulan
Ambisyoso 

Ambisyoso (pang-uri) - mapangarap; mapaglunggati
Ambisyon

Ambisyón (pangalan) - mataas na layunin; lunggati
Ambil

Ambíl (pangalan) - kagustuhan; kahilingan; katawagan; pagaka-hulugan
Ambag

Ambág (pangalan) - abuloy; kontribusyon
Amba

Ambâ (pangalan) - umang; banta; ayos ng isang handa nang itusok o ipasok
Amatyur

Amatyúr (pang-uri) - baguhan; nagsisimula pa lamang
Amanos

Amanos (pang-uri) - tabla; patas; walang lamangan
Amang

Amáng (pangalan) - mga batang lalaki
Amag 

Amag (pangalan) - molde na likha ng pagkapanis o pagkabulok
Amain

Amaín (pangalan) - tiyuhin
Amak 

Amak (pang-uri) - maamo; domestikado; hindi na mailap

Amak (pangalan) - dampa; hamak na kubo
Ama

Ama (pangalan) - itay; tatay
Am

Am (pangalan) - sabaw-sinaing na lumapot sa pagkulo
Alwan

Alwán (pangalan) - maluwag; magaang; hindi nagigipit
Alupihan

Alupihan (pangalan) - hayop na maliit, gumagapang at maraming mga paa
Alumpihit

Alumpihít (pang-uri) - balisa; nagaagam-agam; hindi mapakali; naguguluhan
Aluminyo 

Aluminyo (pangalan) - metal na kulay pilak; karaniwang kaldero, lutuan, o sisidlan ng ulam
Alumana

Alumana (pandiwa) - alintana; pansin
Alulong

Alulóng (pang-uri) - panaghoy ng aso
Alulod

Alulód (pangalan) - padaluyan ng tubig
Altar

Altár (pangalan) - dambana; dalanginan
Alsahin

Alsahín (pandiwa) - itaas, pabuhat na pagtataas, pag-aangat
Alsa

Alsá (pandiwa) - pagbabangon; buhatin; angatin
Alpumbra

Alpumbra (pangalan) - panlatag sa sahig
Alpasan

Alpasán (pandiwa) - palayain; hayaang makatakas; pawalan; kalagan sa pagkakatali
Alpas

Alpás (pandiwa) - nakawala; nakapuga; nakalaya
Alpa

Alpá (pangalan) - kudyapi; instrumento sa pagtugtog
Alon

Alon (pangalan) - unday ng tubig sa dagat
Alog

Alóg (pandiwa) - ugain; yugyugin
Alukin

Alukin (pandiwa) - anyayahan; handugan ng alay; hikayating sumama; pagbilhan
Alok

Alók (pandiwa) - handog na tulong; alay; anyaya; tawad sa halaga
Alo

Alò (pangalan) - panunuyo; paghimok; pagpapatahan
Almanake

Almanake (pangalan) - kalendaryo
Almusal 

Almusál (pangalan) - agahan; pagkain sa umaga
Almoranas

Almoranas (pangalan) - pag-usli ng tumbong
Almirol

Almiról (pangalan) - gawgaw na pinalapot
Almires

Almirés (pangalan) - dikdikan; bayuhan
Alma

Alma (pangalan) - kaluluwa
Allah

Allah (pangalan) - kataas-taasang diyos, iisang diyos ng mga Muslim; tawag ng mga Muslim sa makapangyarihan at mahabaging Diyos
Aliwaswas

Aliwaswás (pangalan) - gulo; gusot; alingasngas; iskandalo
Aliwin

Aliwín (pandiwa) - bigyan lugod; bigyang kasiyahan; dulutan ng saya
Aliwan

Aliwan (pangalan) - libangan; palipasan ng oras
Aliwalas

Aliwalas (pang-uri) - maliwanag; malinaw; tahimik at maayos
Aliw-iw

Aliw-íw (pangalan) - lawiswis; marahang ingay; langitngit; garalgal
Aliw

Alíw (pangalan) - libang; pagpalipas ng oras; ligaya
Alituntunin

Alituntunin (pangalan) - patakaran; kaparaanan
Alitaptap

Alitaptáp (pangalan) - kulisap na panggabi; may munting anag-ag o liwanag sa buntot
Alitan

Alitan (pang-uri) - kagalitan; di-pagkakasundo; pag-aaway
Alisansang 

Alisansáng (pang-uri) - alingasaw; masangsang na amoy; mabaho
Alisagsag

Alisagság (pang-uri) - batugan; tamad
Alisaga

Alisagâ (pang-uri) - halaghag; lagalag; alibugha; hampas-lupa
Alisan

Alisán (pandiwa) - bawasan; kunan; bawian
Alisin

Alisín (pandiwa) - kunin; ilayo
Alipusta

Alipustâ (pang-abay) - pagduhagi sa karangalan; paghamak sa pagkatao, pag-amis
Alipunga

Alipungá (pangalan) - pangangati sa pagitan ng mga daliri ng paa; sakit sa balat
Alipores

Alipores (pangalan) - tauhan; galamay; kabig
Alipinin

Alipinin (pandiwa) - gawing busabos
Alipin

Alipin (pangalan) -  busabos; adipen; alilang-kanin
Alipato

Alipato (pangalan) - baga mula sa sunog na inililipad ng hangin; titis
Alipala

Alipalà (pang-abay) - agad-agad; ngayon din
Alingawngaw

Alingawngáw (pangalan) - agaw-aw; pagbabalik ng nilikhang ingay
Alingasngas

Alingasngás (pangalan) - gulong-likha ng ingay; iskandalo; tsismis; kahihiyan
Alingasaw

Alingasaw (pangalan) - pagsingaw ng mabahong amoy
Alintana

Alintana (pandiwa) - pansin; pagbabahala; di-alintana; hindi pansin
Alinsunod

Alinsunod (pang-abay) - naaayon; bilang pagsunod
Alinsabay

Alinsabay (pandiwa) - kapanabay; halos kasabay; kaayon
Alinsangan

Alinsangan (pang-uri) - maiinit na kapaligiran; walang hangin
Alinignig

Alinigníg (pangalan) - alingawngaw; agaw-aw
Alinman

Alinmán (panghalip) - kahit na alin; walang pinipili
Alinlangan

Alinlangan (pang-uri) - hindi pagiging tiyak; nag-aalangan
Alindog

Alindóg (pang-uri) - dingal; kagandahan; kariktan; karilagan
Alin

Alín (panghalip) - patanong na magpapauri sa ito o iyon; pantiyak na pagtatanong
Alimura

Alimura (pangalan) - paglait sa pananalita; masakit na pangungusap
Alimuom

Alimuóm (pangalan) - ang singaw ng init ng lupa kapag nababasa ng ulan
Alimpuyog

Alimpuyóg (pangalan) - pag-uli uli ng tubig; pagsigwa ng dagat; pag-iinit ng labanan; buhawi
Alimbukay

Alimbukáy (pangalan) - tubig na nabulabog; napusyas; uli-uli
Alimango

Alimango (pangalan) - kauri ng alimasag; mas malaki sa alimasag
Alimasag

Alimasag (pangalan)  - sumusunod sa laki sa alimango; kauri ng alimango
Alilisan

Alilisan (pangalan) - gilingan ng tubô (sa pagawaan ng asukal)
Alilain

Aliláin (pandiwa) - gawing utusan; gawing busabos
Alila

Alilà (pangalan)  - katulong; utusan
Alihan

Alihan (pandiwa) - kubabawan; pasukan ng mga masamang ispiritu
Aligid

Aligíd (pandiwa) -  paikot; palapit sa paligid; papalagid
Aligi

Aligí (pangalan) - taba (sa alimango at alimasag)
Alikabok

Alikabók (Pangalan) - gabok; alabok
Alikmata

Alikmata (Pangalan) - itim ng mga mata; balintataw
Alibugha

Alibughâ (Pang-uri) - lagalag; mapaglayas; walang responsibilidad; hampas-lupa
Alibata

Alibatá (Pangalan) - alpabeto ng mga unang Pilipino
Alibangbang

Alibangbáng (Pangalan) - punong-kahoy
Alibadbaran

Alibadbarán (Pandiwa) - nasusuka; di masikmura; naduduwal
Alibadbad

Alibadbád (Pangalan)  - liyo; lula; duwal; ibay
Ale

Ale (Pangalan) - tiyahin;  kahit sinong babae na may gulang
Aldabisin

Aldabisín (Pandiwa) -  dalapusin; pagagingan; undayan ng bigwas; sikuhin
Aldabis

Aldabís (Pangalan) - mapag-bigwas; mapaniko
Aldaba

Aldaba (Pangalan) - pantukod sa bintana; kawayang pantukod o panghalang
Alkampur

Alkampúr (Pangalan) -kampor; naptalina
Albino

Albino (Pangalan) - anak-araw
Alayan

Alayan (Pandiwa) - handugan; regaluhan
Alay-ay

Alay-áy (Pangalan) - panakot na tau-tauhan; panakot ng ibon sa palayan;
Alay

Alay (Pangalan) - handog; regalo; bigay; alaala
Alatiit

Alatiít (Pangalan) - bahagyang ingit; langitngit; lagitik;
Alat

Alat (Pang-uri) - lasa ng dagat; paasin; sinasama
Alapaap

Alapaáp (Pangalan) - ulap; balumbon ng pangnorin; dagim; pagdidilim ng langit
Alap

Alap (Pandiwa) - mula sa salitang pangangalap; pag-hibo; pag-akit; hikayat; kalap
Alanganin

Alanganin (Pang-uri) - di-mawari kung ano ang gagawin, nag-aalangang magpasya, di alam kung babae o lalaki, syoki
Alang-alang

Alang-alang (Pangalan) - para sa iginagalang, pagbibigay at pagsasa-alang alang sa minamahal, pagpapaubaya
Alangan

Alangán (Pang-uri) - hindi bagay, hindi magkatuwang, hindi angkop
Alampay

Alampáy (Pangalan) - panyuwelo, balabal, bupanda, panyolon
Alamid

Alamíd (Pangalan) - musang, lampong, hayop sa kabundukan
Alamang

Alamáng (Pangalan) -  hipong maliliit na sama-samang nahuhuli sa pagsala
Alamat

Alamát (Pangalan) - kwentong katutubo, pabula, kwento mula sa sinauna, metolohiya
Alamin

Alamín (Pandiwa) - pakialaman, talusin, tignan kung ano ang nangyayari
Alam

Alám (Pangalan) - talos, batid, tanto
Alalayan

Alalayan (Pandiwa) - suportahan, huwag bibitawan, hawak upang di madapa
Alalay

Alalay (Pangalan) - marahan, pangangalaga sa paghawak, ayuda, iniingatan sa pag-akbay
Alalahanin

Alalahanin (Pandiwa) - isip-isipin, balikan ng isipan ang nagdaan, gunitain ang nakalipas
Alalaon

Alalaón (Pangatnig) - ang nais tukuyin, para bang; alalaong baga
Alala

Alalá (Pangalan) - pangitain ng nakaraan, isipan sa nakalipas, memorya
Alahas

Alahas (Pangalan) - mamahaling bato, hiyas, mutya, kayamanan
Alagaw

Alagáw (Pangalan) - punongkahoy na ang dahon ay nagagamit sa pagluluto
Alagatain

Alagataín (Pandiwa) - paka-isipin, paka-wariin, pagnilayin
Alagata

Alagatâ (Pandiwa) - paglagay sa isipan, pagbulay-bulay, pagliniin
Alagaan

Alagaan (Pandiwa) - kalingain, ingatan, ipag-adya
Alaga

Alagà (Pangalan) - iniingatan sa pagkakadili, protektado
Alak-alakan

Alak-alakán (Pangalan) - bahagi ng binti
Alak

Alak (Pangalan) - inuming may alkohol at nakakalasing
Alakdan

Alakdán (Pangalan) - makamandag na munting hayop na nabibilang sa lipi ng gagamba
Alabok

Alabók (Pangalan) - mula sa lupa, lupa, abo
Alab

Alab (Pangalan) - ningas, lagablab, pag-iinit
Alaala

Alaala (Pangalan) - nasa-isipan, gunita, maaari ring isang handog o rekwerdo
Ahon

Ahon (Pandiwa) - lunsad, mula sa tubig patungo sa kati
Ahitan

Ahitan (pandiwa) - magpa-ahit, daanan ng labaha ang bahaging may buhok
Ahit

Ahit (Pangalan) - gumamit ng labaha
Ahensiya

Ahensiya (Pangalan) - kumpanya, institusyon
Ahasin

Ahasin (Pandiwa) - agawin, kunin nang walang nakakakita

Ahas

Ahas (Pangalan) - serpyente, ulupong, maliit na sawa
Agwatan

Agwatán (Pangalan) - patlangan, pagiging magkalayo
Agwat

Agwát (Pangalan) - layo at pagitan, distansya sa isa't-isa
Agwasa

Agwasa (Pangalan) - di-mapigilang pagdaloy, pagsubha
Agwanta

Agwanta (Pangalan) - pagpipigil sa pagdaramdam, pagtitiis
Agunyas 

Agunyás (Pangalan) - plegarya, ripeke ng kampana para sa patay
Aguhilya

Aguhilya (Pangalan) - pang-ipit na manipis sa buhok, gamit-babae sa pag-aayos ng buhok
Agting

Agting (Pangalan) - banat na mahigpit, nakabinit
Agtas

Agtás (Pangalan) - Ita, Dumagat, Ati, Abulun

Agtas (Pang-uri) - salitang-ugat ng bagtas, kaagtas; kalaban, katunggali
Agpang

Agpáng (Pang-uri) - nasusukat, naaakma, nalalapat
Agrikultura

Agrikultura (Pangalan) - pagbubukid, pagsasaka
Agos

Agos (Pang-uri) - daloy ng tubig sa ilog, batis at lawa
Agong

Agong (Pangalan) - bilog na tansong nakabitin at pinatutunog tulad sa kampana, \batingaw ng mga Muslim (mula sa mga Intsik)
Apurado

Apurado (Pang-uri) - mapagmadali, di-makapaghintay
Agnostiko

Agnostiko (Pangalan) - may pagpapalagay na di maaaring mapatunayan na may Diyos nga o wala
Agnos

Agnos (Pangalan) - medalyon, kuwintas na may palawit na medalyon
Agnas

Agnás (Pandiwa) - paghulas, pagkabulok
Aglahi

Aglahì (Pandiwa) - paglibak, kutya, pag-uyam
Aglahi

Aglahì (Pandiwa) - paglibak, kutya, pag-uyam
Agiw

Agiw (Pangalan) - sapot ng gagamba
Aginalduhan

Aginalduhan (Pandiwa) - bigyan ng pamasko, regaluhan, handugan
Aginaldo

Aginaldo (Pangalan) - pamaskong handog, regalo
Agham

Aghám (Pangalan) - siyensiya, karunungan sa sangay ng siyensiya
Agay-ay

Agay-áy (Pangalan) - banayad na simoy ng hangin
Agawin

Agawin (Pandiwa) - daklutin, kunin nang pilit, dakmain sa may hawak, sunggaban upang makuha
Agaw-buhay

Agaw-buhay (Pangalan) - naghihingalo, habol ang paghinga, patawirin ang buhay, malapit nang mamatay
Agaw-aw

Agaw-áw (Pangalan) - maalingawngaw na ingay
Agaw

Agaw (Pangalan) - kuha sa bigla, sungab
Agasan 

Agasan (Pandiwa) - labasan ng dugo, duguin, makunan
Agas

Agas (Pangalan) - pagdaloy ng dugo
Agapan 

Agapan (pandiwa) - maging handa sa pagkilos, bantayan ang pagdating
Agapay

Agapay (Pang-uri) - katabi, handang tumulong, alalay
Agap

Agap (Pangalan) - maaga pa sa tinakdang oras, hindi nahuhuli, laging una, maagap
Agahan

Agahán (Pangalan) - almusal, pagkain sa umaga

Agahan (Pandiwa) - dalian, dumating nang maaga, maging maagap
Ag-ag

Ag-ag (Pangalan) - pagsala
Agam-agam

Agam-agam (Pangalan) - pagdududa, hindi pagpakali ng loob, pangangamba sa maaring mangyari, walang katiwasayan sa pag-aalala
Agad-agad

Agad-agád (Pang-abay) - antimano, hindi nagpalipas ng oras
Agam

Agam (Pang-abay) - kapag daka, kapag karaka, hindi nag-aksaya ng panahon, mabilis
Aga

Aga (Pang-abay) - pagiging maaga, maagap
Adyo

Adyo (Pandiwa) - ang pagpasok sa isang bahay, pag-akyat
Adyenda

Adyenda (Pangalan) - nakasulat na banghay ng isasagawa, plano
Adya

Adya (Pangalan) - paglalayo sa panganib
Adobo

Adobo (Pangalan) - lutuing may suka
Adorno

Adorno (Pangalan) - palamuti, gayak, dekorasyon
Adiyos

Adiyos (Pandamdam) - pagpapaalam, salitang gamit upang magpaalam
Adelentado

Adelentádo (Pang-uri) - mapusok, mapagprisinta, mapanguna
Adhika

Adhikâ (Pangalan) - hangarin, layunin
Adat 

Adat (Pangalan) - batas ng mga Muslim
Adarna

Adarna (Pangalan) - pangalan ng ibon sa alamat
Ada

Ada (Pangalan) - dwende, kathang isip, guni-guni
Abyugin

Abyugin (Pandiwa) - uguyin, yugyugin ang alin mang nakabitin, alugin
Abuwela

Abuwela (Pangalan) - lola, lelang
Abuwelo

Abuwelo (Pangalan) - lolo, lelong
Abutin

Abutín (Pandiwa) - kunin ng kamay, kunin ang iniaabot
Abut-abot

Abut-abot (Pandiwa) - sabay-sabay, pagdating ng walang tigil, patung-patong
Abutan

Abutan (Pandiwa) - marating ang hinahabol

Abután (Pandiwa) - ilapit o ibigay ang kailangan
Abuluyan

Abuluyán (Pandiwa) - tulungan sa pagbibigay, bigyan ng ambag, tulong-tulong na kontribusyon

Abuluyán (Pangalan) - pinalalagakan ng abuloy, tunguhin sa pag-aambag
Abuloy 

Abuloy (Pandiwa) - ambag, tulong, kontribusyon
Abuhin

Abuhín (Pang-uri) - kulay abo
Abubot

Abubot (Pangalan) - basura, dala-dalahang kung anu-ano
Abrigo

Abrigo (Pangalan) - magkawit ng ..?

Abrigo (Pangalan) - pangginaw, damit na pang tag-lamig
Abraso

Abraso (Pandiwa) - magkawit ng bisig
Aboy

Abóy (Pandiwa) - galit na pagpapaalis, S.U. (salitang-ugat) ng pagtaboy
Abot

Abót (Pang-uri) - pagkuha ng kamay sa bagay na malayo
Abono

Abono (Pangalan) - pataba

Abono (Pandiwa) - pagdagdag, pagpapaluwal, pagpapahiram
Abokado

Abokado (Pangalan) - uri ng peras, prutas
Abogado

Abogado (Pangalan) - mananaggol
Abo

Abó (Pangalan) - labi ng nasunog, titis, gabok
Abiso

Abisó (Pangalan) - pasabi
Abisuhan

Abisuhan (Pandiwa) - bigyan ng patalastas, pasabihan
Abayan

Abayan (Pandiwa) - ihatid (sa dambana), konsortehan ang kasal
Abay

Abay (Pangalan) - konsorte, kasama, kapareha, taga-paghatid
Abasto

Abasto (Pangalan) - kargada, mga daladalahin
Abangan

Abangán (Pandiwa) - antabayanan, hintayin, bakayan
Abang

Abáng (Pangalan) - paghintay, pag-antabay
Abaniko

Abaniko (Pangalan) - pamaypay na natitiklop
Abalorya

Abalorya (Pangalan) - mga munting palamuti sa damit, tsinelas o bag
Abala

Abala (Pangalan) - istorbo, gambala sa gawain

Abalá (Pang-uri) - abalang-abala, maraming ginagawa, matrabaho
Abakada

Abakada (Pangalan) - baybayin sa balarila, alpabetong Pilipino
Abaka

Abaká (Pangalan) - halamang mulaan ng hibla

yupis 

yupis (pu.) - mayupis, malabo


yutyot 

yutyót (png.) - lagitik ng bahay sa pag-uga sa lindol


yuta 

yutà (png.) - sangyuta, sandaang libo


yurak 

yurak (pd.) - yurakan, tapakan, yapakan, pagyurak sa karapatan ng iba


yupyop 

yupyóp (pd.) - yupyupan, limliman, yungyungan


yupi 

yupî (pu.) - tupi, tiklop

yupì (pd.) - nayupi, natiklop, natupi


yupapa 

yupapà (pu.) - aba, kaawa-awa

yupapà (pu.) - mangayupapa, magpakaaba, manikluhod, magpakumbaba


yungyungan 

yungyungán (pd.) - limliman, liliman


yungib 

yungíb (png.) - lungga, kuweba


yumi

yumì (pu.) - mayumi, mainhin, maliwag


yugyog 

yugyóg (pd.) - yugyugin, ugain, yanigin.


yugto 

yugtô (png.) - bahagi, kabanata


yukyok 

yukyók (pu.) - pangangayupapa


yukos

yukós (pu.) - paglawit ng ulo sa unahan


yukod

yukód (pu.) - yumukod, tumungo sa paggalang, yumuko


yuko 

yukô (pu.) - pagyukod ng ulo


yukayok 

yukayok (pu.) - lupaypay ang ulo


yoyo

yoyo (png.) - laruang pinaiikot sa pamamagitan ng nakakabit na pisi


yoyo

yoyo (png.) - laruang pinaiikot sa pamamagitan ng nakakabit na pisi


yodo

yodo (png.) - gamot sa sugat na lason


yibok

yibok (pd.) - magyibok, magpataba ng baboy


yeso

yeso (png.) - tsok


yero

yero (png.) - galbanisadong bubungan


yelo

yelo (png.) - tubig na pinatias ng lamig


yayat

yayát (png.) - pangangayayat, pagiging mapayat

yayat (pu.) - payat


yaya

yaya (png.) - sisiwa, nag-aalaga ng bata

yayá (png.) - yayain, yakagin, kayagin, anyaya

yawe

yawe (png.) - liyabe, susi, pambukas ng kandado


yatyat

yatyát (pu.) - kinalawang, bakat-bakat


yatab

yatáb (png.) - lilik, karit, ang-ani


yata

yatà (pa.) - kaipala, marahil, hindi tiyak


yasyasin

yasyasín (pd.) - kayurin, kaskasin, kayasin


yasyas

yasyás (png.) - kayas, kayod, kaskas


yasang

yasáng (png.) - kasayangan, kagaspangan


yari

yarì (png.) - tapos, gawa na


yarì  (png.) - produkto

yarí (png.) - mangyari, kasi, dahil sa, pagka't




yarda

yarda (png.) - sukat ng isang baro


yapyap

yapyáp (pu.) - dulong, dilis

yapyá(pu.) - mayapyap, madaldal, masatsat


yapos

yapós (png.) - yakap, pag-akap, paglingkis


yapaw

yapaw (pd.) - patungan, daganan


yapak

yapak (png.) - apak, tapak, tuntong ng paa


yaon

yaón (png.) - niyon, niyan, noon


yao

yao (pd.) - pagyao, pag-alis, paglisan, pagpanaw


yangyang

yangyáng (png.) - pagsasampay ng basang damit upang patuyuin

yangutngot

yangutngót (png.) - pagnguya, pagngalot
yangot

yangót (png.) - makapal na buhok, mabalbas, mabungot
yangkaw

yangkáw (png.) - paglakdaw, paghakbang ng malaki, paglaktaw
yantok

yantók (png.) - mahabang ratan, uway, baging
yantas

yantás (png.) - dayat, nangangalirang
yano

yano (pu.) - karaniwan, payak
yanig

yaníg (png.) - pag-uga ng lupa dahil sa lindol, pagkalog, pagyugyog
yamuyam

yamuyam (png.) - yamuan
yamutmot

yamutmót (png.) - basura, layak

yamungmong

yamungmóng (png.) - pagyabong, paglabay,pagkapal ng dahon


yamuam

yamuám (png.) - yamuyam, pinagkayasaan, pinaglagarian, kusot

yamot

yamot (png.) - inis, pagkasuya, pagkamuhi

yamo

yamò (pu.) - kayamuan, kasakiman, katakawan

yamba

yambâ (png.) - pag-amba, pag-akma

yamas 

yamas (png.) - katiningan, latak, sapal

yamang 

yamang (png.) - yayamang, kung gayon


yaman

yaman (png.) - pagiging mariwasa, sagana, kayamanan

yaman (pu.) - mayaman, masalapi
yama 

yamà (png.) - karayamà, kaibigan, katoto, matalik na kasama

yagyag 

yagyág (png.) - tulad sa mabilis na torote ng kabayong tumatakbo

yagpag 

yagpág 

pangalan

payagpag, pagaspas, wagwag
yagit

yagít (png.) - sukal, layak, yamutmot
yakyak

yakyák (png.) - pagkayakyak, pagkainggit, paninibugho

yakis

yakís (png.) - pagtagis, pagyakis, pagkiskis, pagpingki, paghasa
yakap 

yakap (png.) - yapos, pagbilanggo sa mga bisig
yakal 

yakál (png.) - klase ng kahoy

yakag 

yakag (png.) - anyaya, pagkayag, isama sa lakaran

yabong 

yabong (png.) - malago, malabay
Yabang

Yabang (pangalan) - paghahambog, pagiging palalo

yabang (pang-uri) - mayabang, palalo, hambog
Yabag

Yabág  (pangalan) - bagsak ng mga paang lumalakad